KAHIDLAW: Ang Pagsasalamin ng Kaisipan ni Rizal sa Modernong Panahon
Isang mapagpalang araw, mga kabata!
Iniimbitahan namin kayo para sa isang aktibidad na tiyak na kapupulutan niyo ng aral. Makiisa sa aktibidad ng LPU-KAPARIZ at PNU-KAPARIZ na may pamagat na “KAHIDLAW: Ang Pagsasalamin ng Kaisipan ni Rizal sa Modernong Panahon”. Gaganapin ito sa ika-11 ng Disyembre 2021, 3:00 N.H. sa Zoom.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong talakayin nang kritikal ang mga mithiin at prinsipyo ni Dr. Jose Rizal upang matamo at mapaunlad ang isang nagkakaisang nasyon. Layunin din nito na magkaroon ng isang malayang talakayan sa pamamagitan ng pagtukoy sa kahalagahan ng kanyang mga gawa, at kung paano ito makatutulong sa atin na masuri ang ating kasalukuyang lipunan, at kung paano tayo makatutulong na mag-ambag para sa pagpapabuti nito.
Upang magparehisto, sagutan lamang ang GForm link na ito: https://forms.gle/AGrwAvoAyJeGfrrXA
Para sa bata at sa bansa!Unus Instar Omnium.
#KAHIDLAW #LPUxPNUKAPARIZ